Menor de edad na Maute fighter sumuko sa militar
Boluntaryong sumuko sa militar ang isang binatilyong sinasabing isa sa mga fighter ng ISIS-inspired Maute terror group.
Nakilala lamang sa palayaw na AJ ang 15 taong gulang menor de edad.
Ayon kay 1st Infantry Division spokesperson Captain Clint Antipala, sumuko sa 49th Infantry Battalion ng Philippine Army sa bayan ng Butig si AJ.
Sinasabing sumapi sa Maute ang binatilyo matapos i-recruit ng mga pinsang sina Omarkhayam at Abdullah Maute noong 2014.
Sumailalim umano ito sa training kasama ang 12 iba pang mga kabataan.
Nauna nang sinabi ni Lieutenant Colonel Edgar Allan Villanueva, commanding officer ng 49th Infantry Battalion na ang pinakabatang fighter ng Maute group ay isang siyam na taong batang lalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.