Mga oil companies magtataas ng presyo epektibo bukas ng umaga
Dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang produktong petrolyo sa world market, nag-anunsyo na rin ng kani-kanilang price increase ang ilang mga lokal na oil companies bukas, November 10.
Epektibo alas alas 12:01 ng madaling araw, may dagdag ang kumpanyang Flying V na P0.35 sa kada litro ng gasolina, P0.75 sa kada litro ng diesel at P0.80 naman sa kada litro ng kerosene.
Ang kumpanyang Chevron ay magtataas sa lahat ng kanilang mga Caltex station ng P0.25 centavos kada litro sa presyo ng gasolina, P0.80 naman sa diesel at P0.85 sa presyo ng kerosene o gaas epektibo alas 6:00 ng umaga bukas.
Alas 6:00 din ng umaga ang pagpapatupad ng price hike ng Shell, Petron, Seaoil, Phoenix at PTT.
Sa abiso ng Shell, magpapatupad ng P0.30 na dagdag sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa kada litro ng diesel at P0.85 sa kada litro ng kerosene.
Ang Petron naman ay magtataas sa presyo ng kanilang gasolina ng P0.35 centavos, P0.75 sa diesel at P.0.80 naman sa gaas o kerosene.
Ang Seaoil ay P0.25 ang dagdag sa presyo ng gasolina, sa diesel ay P0.80 at sa presyo naman ng kerosene ay P0.80 centavos habang ang Phoenix at PTT ay parehong magpapatupad ng P0.35 sa kada litro ng gasolina at P0.75 sa diesel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.