Obispo nanawagang huwag payagan ang foreign workers para sa Build Build Build program
Nanawagan ang isang obispo sa gobyerno na huwag payagan ang mga nagpopondo sa Build, Build, Build projects na magdala ng foreign workers sa bansa.
Sa isang panayam sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ito ay upang hindi na makadagdag pa sa bilang ng bilang ng walang trabaho sa bansa.
“We should not allow the funders of Build, Build, Build projects to make it a condition to bring in foreign workers,” ani Pabillo.
Matatandaang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa third quarter ng taon na umabot na sa 9.8 milyong Filipino ang walang trabaho.
Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat ay isailalim sa training at retraining ng gobyerno ang mga kabataan at mga manggagawa para sa mga available na trabaho.
Nauna na ring ibinunyag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mayroong 400,000 foreigners na nagtatrabaho sa Metro Manila.
Ikinaalarma ito ng Department of Labor and Employment at sinabing higit 115,000 foreign nationals lamang ang kanilang binigyan ng Alien Employment Permits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.