outbrain

Magkasintahang nagtatalik sa kotse naaksidente sa CDO

By Rhommel Balasbas November 14, 2018 - 03:34 AM

Sa aksidente nauwi ang pagtatalik ng isang magkasintahan habang tumatakbo ang kanilang sasakyan sa isang flyover sa Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City.

Bumangga sa poste na may traffic signage ang Hi-Lux na sinasakyan ng magkarelasyong 28-anyos na lalaki at 19-anyos na babae.

Kitang-kita ng mga residente ang paglabas ng dalawa sa sasakyan habang walang mga saplot.

Bumaliktad ang kanilang sinasakyan na ikinasira nito.

Dahil sa aksidente, ipinag-utos na ni City Administrator Teddy Sabugaa na bayaran ng dalawa ang perwisyong idinulot ng kanilang kagagawan sa pag-aari ng gobyerno.

Nagpaplano na rin ang City Council na ipatawag ang magkasintahan na ngayon ay nahaharap sa kasong alarm and scandal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.