Thailand at Vietnam tumangging magbenta ng bigas sa murang halaga

By Justinne Punsalang November 14, 2018 - 01:30 AM

Hindi pumayag ang mga bansang Thailand at Vietnam na magbenta sa Pilipinas ng bigas sa mas murang halaga.

Dahil dito ay hindi ulit nakabili ang National Food Authority (NFA) ng nasa 250,000 toneladang bigas na dapat ay maipapasok sa bansa sa huling bahagi ng taon.

Ang reference price ng NFA ay USD447.88 kada tonelada, ngunit ang offer ng Thailand ay USD480.80 per metric tons, habang USD483 bawat tonelada naman ang sa Vientam.

Muling binigyan ng pagkakataon ang dalawang bansa na mag-offer ng presyo ngunit mas mataas pa rin ito sa reference price ng ahensya.

Binabaan ng Vietnam sa USD481.50 ang offer, ngunit tumaas naman ang offer ng Thailand sa USD481.50.

Depensa ni NFA Assistant Administrator Maria Mercedes Yacapin, ang reference price ng ahensya ay batay sa kanilang pag-aaral sa rice trends sa pandaigdigang merkado.

Ang dalawang mga bansa lamang ang mayroong rice trade agreement sa Pilipinas kaya dito lamang maaaring kumuha ng bigas ang pamahalaan.

TAGS: BUsiness, BUsiness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.