Street sweeper pinatay sa sakal ng livein partner sa Maynila

By Justinne Punsalang November 14, 2018 - 03:28 AM

Nasawi ang isang babaeng street sweeper matapos itong sakalin ng kanyang livein partner sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Jocelyn Suliva, 39 na taong gulang.

Kwento ng anak ni Suliva, madalas mag-away ang kanyang ina at livein partner nitong si Marlon Felizarda.

Hinala nito, selos ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa na nauwi sa pananakal ng suspek.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas si Felizarda.

Giit pa ng anak ng biktima, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kinakasama ng kanyang ina.

Sa ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad si Felizarda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.