Misa para sa mga biktima ng Kentex Fire

June 22, 2015 - 11:44 AM

IMG_20150622_103819
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagdaos ng misa para sa ika-40 araw ng pagkasawi ng mga biktima ng malagim na sunog sa Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City.

Dinaluhan ng mga kaanak ng mga biktima ang misa na isinagawa sa San Juan Dela Cruz Parish Church sa Barangay Ugong.

Ang ilan sa mga kaanak na dumalo sa misa ay bitbit pa larawan ng kanilang mga mahal sa buhay na kasamang nasawi sa sunog.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Bishop Broderick Pabillo na kasama sila ng mga kaanak ng biktima sa paghingi ng hustisya upang makamit ang katarungan para sa mga biktima.

Magugunitang aabot sa 72 na manggagawa ng nasabing pabrika ng tsinelas ang nasawi, matapos na mabigong makalabas mula sa pinagtatrabahuhang gusali nang sumiklab ang apoy.

Karamihan sa mga namatay ay nasa ikalawang palapag ng gusali at hindi na nagawang makababa pa para makalabas./ Erwin Aguilon

TAGS: Kentex, mass, Radyo Inquirer, Kentex, mass, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.