Warrant of arrest laban kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos iniutos ng S’Bayan

Inquirer file photo

Iniutos na ng Sandiganbayan 5th division ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Sa desisyon ng Sandiganbayan noong Nov. 9 ngunit ngayong Martes lamang inilabas sa media, iginiit ng korte na ang kabiguan ni Marcos at abogado nito na sumipot sa promulgation noong Biyernes ay “unjustified.”

Noong Biyernes, inilabas ng Sandiganbayan ang hatol nitong “guilty” kay Marcos dahil sa pagkamal umano ng pera at paglagak ng mga ito sa ilang Swiss foundations, habang nasa posisyon ng administrasyon ng kanyang mister na si Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang dating unang ginang ay no-show sa promulgation pero nakadalo pa sa birthday party ng anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Dahil dito, iniutos ng anti-graft body na ang “bond” ni Marcos sa pitong bilang ng katiwalian ay “forfeited” na at ang akusado ay binibigyan ng tatlumpung araw para ipaliwanag kung bakit wala dapat aksyon ang gawin sa nasabing bond.

Sa huli, nasasaad sa kautusan ang pag-iisyu na ng warrant of arrest laban kay Marcos.

Read more...