Anti-palo bill lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon November 13, 2018 - 03:38 PM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na nagbabawal ng marahas na parusa sa mga bata.

Sa botong 160 na “Yes” at dalawang “No” inaprubahan ang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act”.

Layunin ng panukala na magkaroon ng positibong uri ng pagdidisiplina sa mga bata upang hindi malabag ang karapatan ng mga ito at hindi maging marahas kapag lumaki.

Ang sinumang magpapatupad ng ganitong parusa ay kailangang agad na isumbong sa barangay officials o sa pulisya.

Kung matindi ang pananakit o pagpapahiya sa bata, pwedeng irekumenda ng punong barangay ang temporary protection order para mapangalagaan ito.

Ang mga lalabag dito ay isasailalim sa seminar tungkol sa positibong paraan ng pagdidisiplina, anger management, children’s rights, counseling at therapy.

Kung matindi naman ang pagparusa sa bata, pwedeng makasuhan ang offender sa krimen base na sa Revised Penal Code.

Sa ilalim ng panukala, ang pagbabawal sa marahas na uri ng disiplina ay bawal hindi lamang sa bahay kundi pati sa paaralan at iba pang institusyon tulad ng alternative care system, juvenile welfare system, simbahan at iba pang lugar kung saan mayroong mga menor-de-edad.

TAGS: 3rd reading, corporal punishment, Positive and Non-Violent Discipline of Children Act, 3rd reading, corporal punishment, Positive and Non-Violent Discipline of Children Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.