NBI binuweltahan ni Lapeña makaraan siyang kasuhan ng graft

By Den Macaranas November 13, 2018 - 02:55 PM

Inquirer file photo

Kinastigo ni dating Customs Commissioner Isidro Lapeña ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa graft case na isinampa laban sa kanya.

Nag-ugat ang kaso sa pagkawala ng 105 container vans na naglalaman ng ceramic tiles na bigla na lamang naglaho sa pangangalaga ng BOC.

Sinabi ng opisyal na hindi mabibisto ang nasabing pagkawala ng mga container vans kundi sa pamamagitan ng 22 alert orders na kanyang inilabas na ayon sa kanya ay para sa 119 container vans na naglalaman ng mga smuggled tiles.

Inilabas rin ng kasalukuyang pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) ang kanyang sama ng loob dahil hindi kinuha ng NBI ang kanyang panig sa nasabing isyu.

Nabigo rin ayon kay Lapeña ang NBI na ugatin kung sinong mga Customs officials ang nagmaniobra para sa nasabing kargamento.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na matagal nang kalakaran sa loob ng Customs ang nabisto nilang modus at ito ay natigil nang siya ang maging pinuno ng ahensya.

Kahapon ay inirekomenda ng NBI ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 3, Paragraph (e) ng Republic Act No. 3019, o kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inirekomenda rin ng NBI ang pagsasampa ng reklamong gross neglect of duty and grave misconduct laban kay Lapeña.

Sa kanilang paliwanag, sinabi ng NBI na mismong si Lapeña ang naglabas ng alert order laban sa mga kontrabando pero ito rin ang nag-apruba sa paglabas ng mga ito mula sa Asian Terminals Inc.

Sinabi ng NBI sa kanilang ulat na pineke ang mga lagda ng mga Customs officials na sina Antonio Meliton Pascual and Marylyn Estur kaya napayagang makalabas sa aduana ang nasabing kargamento na mula sa China.

Dahil walang objection ang pinuno ng BOC, sinabi ng NBI na nabalewala ang ulat ni Port of Manila District Collector Vener Baquiran na naunang nagsabi na hindi otorisado ang paglabas sa aduana ng mga smuggled na tiles.

Sa kabuuang bilang, umaabot sa 85 container vans ang narekober ng mga otoridad sa isang warehouse sa Meycauayan City sa Bulacan.

TAGS: BUsiness, customs, DOJ, graft, lapeña, NBI, smuggling, tiles, BUsiness, customs, DOJ, graft, lapeña, NBI, smuggling, tiles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.