Pahayag ito ng Palasyo matapos irekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong graft si dating Customs Commissioner at ngayoy TERSDA Dir. General Isidro Lapeña.
Ito ay kaugnay sa pagkakapuslit ng P6.8 bilyon na shabu shipment sa customs.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang sinuman ang makaliligtas sa pananagutan sa batas kahit pa kaibigan o kalaban sa pulitika ni Pangulong Rodrigo Duterte ang masasangkot sa korupsyon.
Iginiit pa ni Panelo na ang ginawang hakbang ng NBI ay patunay lamang na hindi pinagtatakpan ni Pangulong Duterte ang sinuman sa kaniyang mga tauhan na nabahiran ng duda ang pagkatao dahil sa isyu ng korapsyon.
Gayunman, sinabi ni Panelo na hanggang sa ngayon ay maituturing pa ring inosente si Lapeña hanggat hindi napatutunayan ng korte na guilty ito.
Ayon kay panelo, patuloy pa ring tinatamasa ni Lapeña ang kumpiyansa at tiwala ni Pangulong Duterte.