Pagbasura ng NTC sa kanilang apela, minadali ayon sa Sear Consortium
Dismayado ang Sear Telecom (TierOne and LCS) sa pagbasura ng National Telecommunications Commission (NTC) sa kanilang apela.
Ayon sa pahayag ng Sear, sa kanilang apela, hiniling nilang ideklarang guitly sa misreprensentation ang Mislatel dahil labag sa NTC rules ang pakikipag-partner nito sa Udenna/Chelsea Logistics at China Telecom.
Naniniwala din ang Sear na lumabag ang Mislatel nang lumahok ito sa bidding.
Pero sinabi ng Sear, minadali ng selection committee ng NTC ang pagpapalabas ng resolusyon na nagbabasura sa kanilang apela.
Binalewala lamang din umano ng NTC ang mga inilatag na ground ng Sear sa motion for reconsideration.
Tinawag pa ng Sear Consortium ang salection committee ng NTC na insensitive at walang pag-iingat sa ginagawang pagpili sa bagong major player.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.