Apela ng Sear Telecom ibinasura ng NTC
Ibinasura ng National Telecommunications Commission (NTC) ang apela ng consortium na kinabibilangan ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.
Sa naturang apela ng grupo ni Singson, hiniling nito sa NTC na bawiin ang paggawad sa Mislatel bilang third telco sa bansa.
Kasama ring ibinasura ng NTC ang hirit ng Sear na motion for reconsideration sa hindi pagkakapili sa kanila sa ginawang selection process.
Magugunitang sa isinagawang selection process ang Mislatel na kinabibilangan ng China Telecom at ng negosyanteng si Dennis Uy ang siyang napili ng NTC para maging ikatlong telco sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.