SWS survey sa unemployment rate, taliwas sa resulta ng labor force survey – DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo November 13, 2018 - 10:42 AM

Ang resulta ng SWS survey na nagsasabing tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa ay hindi tumutugma sa Labor Force Survey.

Ayon kay Department of Labor Sec. Silvestre Bello III, bumaba pa nga ang unemployment rate sa Labor Force Survey na nasa 5.3% lang.

Sa kabila ng hindi pagkakatugma, sinabi ni Bello na may mga datos din naman sa survey ng SWS na ginagamit ng DOLE upang makatulong na mas maisaayos ang employment policy.

Ani Bello, mas opisyal na maituturing ang Labor Force Survey na ginagamit na basehan ng gobyerno at international economists.

Dagdag pa ni Bello, ang Labor Force Survey higit na mas marami ang bilang ng households na pinupuntahan sa mga ginagawang Labor Force Survey kumpara sa SWS survey na 1,500 respondents lamang.

TAGS: Department of Labor and Employment, labor force, sws survey, unemployment rate, Department of Labor and Employment, labor force, sws survey, unemployment rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.