Lalaking naninigarilyo nahulihan ng shabu sa Makati City

By Justinne Punsalang November 13, 2018 - 09:50 AM

Hindi lamang paglabag sa city ordinance kundi maging sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng isang lalaki matapos itong mahulihan ng shabu sa Barangay Bangkal, Makati City.

Ayon sa mga tauhan ng Makati City Police, nagpapatrolya sila sa lugar nang makita si Juni Hernandez na naninigarilyo sa kalsada.

Bilang pagtalima sa City ordinance na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar ay hinuli si Hernandez.

Ngunit nang kapkapan, hindi lamang sigarilyo ang nakuha mula dito ngunit maging ang isang pakete ng shabu.

Dahil dito ay dinala sa himpilan ng mga pulis sa Makati si Hernandez habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

TAGS: city ordinance, Makati, War on drugs, city ordinance, Makati, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.