Grupo ng mga consumer at commuter inihirit na ibalik sa P8 ang pamasahe sa jeep

Naghain na ng apela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang United Filipino Consumers & Commuters para hilingin na ibalik sa P8 ang minimum na pasahe sa jeepney.

Ang liham ng grupo ay naka-address kina LTFRB Chairman Martin Delgra III at board members Ronaldo Corpus at Aileen Lizada.

Sa kanilang apela, hinihimok ang LTFRB na pag-usapan muli ang ginawang pag-apruba sa pagtataas ng minimum na pamasahe sa jeep.

Anila 5 sunod na linggo nang bumaba ang halaga ng produktong petrolyo.

Mismong ang mga eksperto rin anila ang nagsasabi na magpapatuloy ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa world market.

May panukala ring suspindihin ang pagpapatupad ng set 2 ng TRAIN law na magpapataw ng P2 excise tax sa presyo ng langis.

Dagdag pa ng grupo, mismong si DOTr Sec. Arthur Tugade na ang nagsabi ang dapat pag-aralan ng LTFRB ang naging pasya nito.

Ayon sa grupo ng mga commuter, milyyun-milyong pasahero ang apektado ng pasya na itaas ang pamasahe sa jeep kaya marapat lang na muli itong busisiin.

Read more...