Mga Pinoy sa California na malapit sa wildfire pinalilikas ng DFA
Hinimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na naninirahan malapit sa Paradise at Southern California na lumikas dahil sa nagaganap na tatlong wildfire sa mga nabanggit na lugar.
Ayon kay Consul General Henry Bensurto, wala pang natatanggap na ulat ang bansa mula sa Philippine Consulate General (PCG) sa San Francisco kung mayroong bang Filipino casualties sa sunog.
Sa huling datos, 44,900 hectares ang nasunog sa Camp fire sa Paradise, California at sa ngayon ay 25 porsyento na itong contained.
Ang Woolsey fire naman sa Southern California ay kumalat sa 33,600 hectare ngunit 10 porsyento pa lamang dito ang contained.
Habang ang Hill fire naman sa Southern California pa rin ay tinupok ang nasa 1,800 hectares kung saan 75 percent nito ang contained.
Kasabay nito ay nagpahayag ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga kaanak ng 31 mga nasawi dahil sa mga sunog na nararanasan sa California simula pa noong nakaraang Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.