10 bahay nasunog sa Tondo Maynila

By Justinne Punsalang November 13, 2018 - 08:57 AM

Tinupok ng apoy ang aabot sa sampung mga bahay sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 6:50 ng umaga sa Zaragosa at Asuncion Street.

Pawang gawa sa light materials ang mga nasunog na bahay kaya umabot sa 2nd alarm ang sunog.

Alas 7:55 naman ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

TAGS: fire incident, Todo Manila, fire incident, Todo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.