Marvel “super heroes” nagbigay-pugay, nagluksa sa pagpanaw ni Stan Lee

Nagluksa ang mga “Super Hero” ng Marvel sa pagpanaw ng Marvel creator na si Stan Lee.

Kani-kaniyang post sa social media ang mga “super hero” ng Marvel para magbigay-pugay sa 95 anyos na si Lee.

Si Hugh Jackman na gumaganap sa role na “Wolverine”, sinabing isang creative genius ang nawala sa industriya at masaya siyang naging parte sya ng legacy ni Lee.

Si Robert Downy Jr., naman na kilalang si “Iron Man” nagpahayag din ng pagpupugay kay Lee at sinabing utang niya ang lahat sa naturang Marvel creator.

Si Tom Holland na gumanap bilang si “Spider Man”, maraming napasaya si Lee bilang “Father of Marvel” at hindi biru-biro ang naging buhay at narating niya.

Si Mark Hamill na gumanap bilang Luke Skywalker, nag-post din sa Instagram at pinuri ang kontribusyon ni Lee sa Popculture.

Si The Hulk, Mark Ruffalo, sinabing ginawa silang superhuman ni Lee. Isang karangalan aniyang maging bahagi ng obra ni Lee.

Ang Malver Studios sa pamamagitan ng kanilang head na si Kevin Feige, nagbigay din ng mensahe at nakiramay sa mga naulila ni Lee.

Read more...