2 lalaki arestado sa buy-bust sa QC; 4 arestado naman sa Makati City dahil sa pag-iinom sa lansangan

By Justinne Punsalang November 13, 2018 - 07:46 AM

Timbog ang dalawang drug suspek matapos magkasa ng buy bust operation ang mga pulis sa Barangay Capri, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Richel Bulok na kabilang sa drugs watchlist ng Barangay 167, at alyas Nonoy na dati nang sumuko sa mga otoridad dahil pa rin sa pagiging sangkot sa iligal na droga.

Nasamsam mula sa mga ito ang siyam na piraso ng shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sa Makati City naman ay inaresto ng mga pulis ang apat na kalalakihan matapos mahuling nag-iinom sa kalye na sakop ng Barangay La Paz.

Nakilala ang mga naaresto na sina Roberto Barlaan, Clemente Lopega, Gil Lopega, at Marlon Lopega.

Ayon sa mga otoridad, nagpapatrolya sa lugar ang mga pulis nang lapitan ng isang concerned citizen at isinumbong ang nangyayaring inuman.

Nakuha mula sa apat ang dalawang isang litro ng beer at pitsel na naglalaman pa rin ng alak.

Sa ngayon ay pansamantalang nakaditine ang apat sa Makati City Police.

 

TAGS: drug suspects, Makati, ordinance law, quezon city, War on drugs, drug suspects, Makati, ordinance law, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.