Ginang na ibinebenta sa mga dayuhan ang malalaswang video ng 2 niyang anak, arestado sa GenSan

By Dona Dominguez-Cargullo November 13, 2018 - 06:46 AM

Arestado ang isang ginang sa General Santos City dahil sa umano ay pangmomolestya sa kaniyang mga anak na kinukuhanan niya ng video para ibenta sa mga dayuhan.

Dalawang anak ng ginang ang nasagip sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation sa kaniyang bahay.

Depense ng suspek, napilitan lang siyang kuhanan ng video ang mga anak dahil tinatakot umano siya ng nag-utos sa kaniya.

Sinabi ni NBI Region 12 special investigator Vernon Firmalino, isang non profit organization sa amerika ang nag-report sa Department of Justice hinggil sa ginagawa ng ginang.

Ang video at larawan ng mga anak ay ipinapadala ng ginang sa mga kliyente sa ibang bansa.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009, RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at RA 10364 Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

TAGS: Anti-Child Pornography Act, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012., Exploitation and Discrimination Act, General Santos, Special Protection of Children Against Abuse, Anti-Child Pornography Act, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012., Exploitation and Discrimination Act, General Santos, Special Protection of Children Against Abuse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.