Pagkatapos dumalo sa ASEAN Summit, sa APEC leaders meeting naman pupunta si Pangulong Duterte

Sunod na pupuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Papua New Guinea matapos ang pagdalo nito sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore para dumalo naman sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders meeting sa linggong ito.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, kabilang si Duterte sa dalawang ibang lider at kinatawan ng mga miyembro ng APEC na pupunta sa Port Moresby sa Papua New Guinea sa darating na weekend.

Susuportahan aniya ng pangulo ang mga mekamismo para maisulong ang kalakalan at isyung may kinalaman sa negosyo sa APEC event.

Dagdag ng opisyal, nakatakdang makipagkita ang pangulo sa Filipino community sa Papua New Guinea kung saan naroon ang mahigit 40,000 na mga Pilipino at mahigit 200 Philippine economies.

Lunes ng gabi nang umalis si Duterte sa bansa upang magtungo sa Singapore kung saan dadalo ito sa ASEAN Summit mula Martes hanggang Biyernes.

Mula Singapore ay sasakay sa private jet ang pangulo papuntang Papua New Guinea.

Nakatakdang bumalik sa bansa ang pangulo sa Linggo ng gabi.

Read more...