Filipino Sign Language opisyal nang national sign language para sa mga Pilipinong hearing impaired
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagdedeklara sa Filipino Sign Language bilang national sign language ng mga Pilipinong mayroong hearing impairment.
Sa ilalim ng batas, ang national sign language ang official sign language ng gobyerno sa lahat ng transaksyon ng mga hearing impaired.
Layon ng Filipino Sign Language Act na tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa mga mayroong kapansansan sa pandinig.
Nasa batas din na dapat gamitin ang Filipino Sign Language sa mga eskwelahan, broadcast media, at trabaho.
Ang University of the Philippines at ibang education agencies ang gagawa ng panuntunan para sa paggawa ng training materials ukol sa edukasyon ng mga hearing impaired.
Nakasaad din sa batas na dapat ay mayroong kwalipikadong sign language interpreter sa lahat ng court hearing, proceeding, at transaksyon sa gobyerno ng mga mayroong kapansanan sa pandinig.
Isang taon makalipas maging epektibo ang batas, obligado ang media organizations na magkaroon ng Filipino Sign language interpreter insets sa mga news at public affairs programs sa broadcast o online news video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.