Pamahalaan nagpaliwanag kaugnay sa P10B APEC fund

By Alvin Barcelona November 09, 2015 - 05:22 PM

apec
Inquirer file photo

Itinanggi ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit organizing council na gagastos ang Pilipinas ng P10 Billion para lamang sa leaders’ meeting.

Nilinaw ni Ambassador Marciano Paynor Jr., Director General ng 2015 APEC national organizing committee na kung anuman ang halaga na binanggit ay hindi lamang ito gagastusin para sa APEC leaders’ summit sa November 18 hanggang 19.

Ayon kay Paynor, ang nasabing halaga ay para sa hosting ng Pilipinas sa mga aktibidad ng APEC sa buong taon kabilang na ang mga pagpupulong na ginanap sa Clark, Tagaytay City, Bacolod, Cebu at iba pa.

Iginiit din ni Paynor na napunta rin sa ekonomiya ng Pilipinas ang nasabing pondo at ginamit sa pagpapaganda ng imprastraktura ng bansa.

Dagdag ni Paynor, hindi dapat na ilihis ang usapin ng pondo para sa APEC at sa halip ay tingnan ito na nakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.

TAGS: apec, Paynor, PNoy, apec, Paynor, PNoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.