Bilang ng mga nasawi sa California wildfire nadagdagan pa

By Len Montaño November 13, 2018 - 12:01 AM

AP photo

Umakyat na sa 31 ang bilang ng mga namatay sa mga wildfire sa California habang 228 ang nawawala.

Nasa 10 search teams ang naghahanap sa mga nawawala sa bayan ng Paradise kung saan nasa 27,000 ang residente.

Sa buong state ng California, 15,000 ang inilikas sa gitna ng patuloy na pag-apula ng mahigit 8,000 bumbero sa malawakang wildfires.

Banta naman sa marami pang lugar ang malakas na hangin at tuyong kundisyon sa lugar.

Una rito ay sinisi ni United States President Donald Trump ang mahinang pangangasiwa sa kagubatan na dahilan ng sunog.

Isa ang bahay ng Hollywood actor na si Gerard Butler sa Malibu sa mga nasunog dahil sa wildfire.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.