Mga Pilipinong muslim gustong palitan ang ARMM ayon sa isang Bangsamoro leader

Karamihan sa mga Pilipinong muslim ang gustong magkaroon ng bagong political entity na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ang naging pahayag ni Bangsamoro Communication Network Inc. (BCN) president at Supreme Council of the League of Bangsamoro Organizations (LBO) chairman Emran Mohamad habang papalapit ng papalapit ang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ani Mohamad, itinuturing ng maraming mga muslim na isang failed experiment ang ARMM kaya naman dapat na itong palitan.

Umaasa si Mohamad na sa pamamagitan ng BOL na bubuo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay mas matutugunan ang pangangailangan ng mga muslim sa rehiyon, lalo na ang tungkol sa kahirapan at kapayapaan.

Read more...