Stan Lee namayapa na sa edad na 95

By Justinne Punsalang November 13, 2018 - 03:55 AM

AP

Yumao na sa edad na 95 ang utak sa likod ng sikat na Marvel Comics na si Stan Lee.

Idineklarang patay si Stan sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California.

Nitong taon ay nagkaroon ng ilang mga problema sa kalusugan si Stan, kabilang ang pneumonia at problema sa kanyang paningin.

Bago sumikat ang kanyang mga obra ay nagsilbi si Stan bilang sundalo ng United States Army Signal Corps mula 1942 hanggang 1945 at kasama sa mga lumaban sa Ikalawang Digmaang pandaigdig.

Kahapon lamang ay nag-post pa si Stan sa kanyang personal Instagram account at binati ang mga kapwa war veterans para sa pagdiriwang ng Veterans Day sa Estados Unidos.

Kabilang sa mga kilalang karakter na binuo ni Stan sa Marvel Universe ay sina Spiderman, the Hulk, Iron Man, Black Panther, at napakarami pang iba.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.