Lizada hiniling na magkaroon ng special meeting ang LTFRB tungkol sa sunod-sunod na oil price rollback

By Justinne Punsalang November 13, 2018 - 03:05 AM

Inquirer file photo

Naglabas ng isang memorandum si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Aileen Lizada upang mapag-usapan ang dalawang pisong dagdag sa pasahe sa jeep, kasunod ng magkakasunod na big time oil price rollback.

Naka-address ito kina LTFRB Chairman Martin Delgra III at Board Member Ronaldo Corpus.

Matatandaan na si Lizada lamang ang nag-iisang board member ng LTFRB na hindi sang-ayon sa permanent fare increase sa mga pampasaherong jeep.

Nakasaad sa memo na inisyu ni Lizada, na nais niyang gawin sa lalong madaling panahon ang hiling niyang Special Board Meeting.

Sa ikalimang sunod na linggo ay nagpatupad ng tapyas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis; at epektibo naman simula November 2 ang P10 minimum na pamasahe sa jeep.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.