LPA sa Davao City maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo

By Justinne Punsalang November 13, 2018 - 04:51 AM

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area na namuo sa rehiyon ng Mindanao.

Sa 4AM weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 235 kilometro silangan, timog silangan ng Davao City.

Bagaman maliit ang tsansa na maging isang bagyo, ay hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na maging tropical storm ang LPA na papangalanang Samuel.

Dahil sa umiiral na LPA sa rehiyon ay magiging maulap ang papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.

Inaasahan na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang idudulot ng LPA at mayroon posibilidad ang lumakas ito paminsan-minsan.

Dahil sa trough ng bagyo ay maulap na kalangitan ang mararanasan ng lalawigan ng Palawan at buong rehiyon ng Visayas.

Makararanas din dito ng mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, maliban na lamang sa mga isolated rains.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.