Sakay na labi ng karo ng patay lumusot sa windshield matapos mabangga ng truck sa Quezon City

By Justinne Punsalang November 13, 2018 - 03:12 AM SHARE(S):
Contributed photo

Lumabas sa basag na windsield ng isang karo ng patay ang sakay nitong mga labi ng lalaki matapos itong maaksidente sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City.

Kapwa sugatan ang driver ng karo na si Philip Iwarat, 42 taong gulang, at kasama nitong attendant na si Anthony de Guzman, 38 taong gulang.

Binabagtas ng karo ng patay ang kahabaan ng Quezon Avenue nang bumangga ito sa isang dump truck.

Sa lakas ng impact ng pagbangga ay nawasak ang harapang bahagi ng karo at nabasak din ang windshield nito. Dito lumusot ang ulo ng bangkay na kanilang karga.

Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang mayroong responsibilidad sa aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.