Magnitude 3.2 na lindol tumama sa Surigao del Norte

Niyanig ng isang magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte kaninang ala-1:27 ng madaling araw.

Batay sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig sa 43 kilometro hilagang-silangan ng Burgos at nasa dagat na sakop nito.

May lalim ang lindol na 14 na kilometro at tectonic ang origin o pinagmulan.

Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang intensity dahil sa pagyanig.

Wala ring inaasahang anumang aftershocks, maging pagkasira sa mga ari-arian bunsod ng lindol.

Read more...