Marcos no-show sa Kamara makaraang hatulang guilty ng Sandiganbayan sa graft
Matapos hatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft inisnab ni dating unang ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ang unang araw ng sesyon ng Kamara.
Sinabi ng staff ng opisina si Marcos sa Kamara na hindi nagtungo ngayong maghapon ang unang ginang sa kanyang tanggapan sapagkat mayroon itong iba pang aktibidad sa labas ng Kamara.
Gayunman, hindi na idinetalye ng staff ang mga lakad ni Ginang Marcos.
Kahit sa plenaryo ay hindi sumipot ang kongresista kahit ngayong ang unang araw ng resumption ng sesyon matapos ang kanilang Undas break.
Nanatili namang tikom ang bibig ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa hatol ng Sandiganbayan kay Marcos.
Ayon naman kay House Majority Leader Rolando Andaya irerespeto at susundin nila ang pasya ng anti-graft court laban kay Rep. Marcos
Sinabi naman ni House Minority Leader Danilo Suarez, dapat mag-move on na ang lahat sa kaso ng dating unang ginang.
Samantala, wala ring inilabas na warrant of arrest at hold departure order ang Sandiganbayan 5th Division laban kay Congresswoman Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.