Torre De Manila, gibain nang tuluyan

June 22, 2015 - 11:10 AM

torre-de-manila
File Photo ng inquirer.net

Target ng isasagawang pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development sa Kamara na maipagiba ng tuluyan ang Torre de Manila na binansagang “pambansang photobomber” sa Maynila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo na ang interest ng komite sa kanilang isasagawang pagdinig at imbestigasyon ay ang makakalap pa ng mas maraming ebidensya para makakuha ng final injunction sa Korte Suprema laban sa konstruksyon ng Torre de Manila.

Ayon kay Castelo, hindi sapat ang Temporary Restraining Order na inisyu ng SC, dahil sa sandaling mapaso ito ay maitutuloy na naman ng DMCI ang proyekto.

“The committee now is more interested to determine kung paano makakakuha tayo ng final injunction dito, kasi TRO lang ang inisyu ng SC. We want to gather all evidence para mas tumibay ang kaso na nasa SC na ngayon,” sinabi ni Castelo.

Sinabi ni Castelo na bagaman ipatatawag nila sina dating Manila Mayor Alfredo Lim at kasalukuyang Mayor Joseph Estrada, magiging “side issue” na lang aniya ng imbestigasyon ang pagtukoy sa kanilang pananagutan.

Ayon kay Castelo ang pangunahing layunin ng komite ay maipagiba ang gusali at ikalawa ay ang maprotektahan ang mga buyers ng condominium.

Sa record kasi na nakuha ng komite ni Castelo, nasa 90% na ng mga units sa Torre de Manila ang naibenta na. Maari aniyang ilipat na lamang ang mga buyers sa ibang DMCI projects.

Dagdag pa ni Castelo, kung sumunod sana agad ang DMCI sa cease and desist order na inisyu noon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay hindi n asana tumaas pa ng husto ang gusalo.

“Kung may pananagutan man sa panig ni Lim o Estrada, magiging side issue na lang namin. May cease and desist order na ang NCCA noon, nung nagsimula kaming mag-imbestiga 9 floors pa lang ang Torre de Manila, kung ang DMCI ay sinunod sana ang utos ng NCCA hindi sana magiging ganoon ka-damaging,” ayon pa kay Castelo.

Samantala, hindi naman pinaburan ni Castelo ang mga panukalang lagyan na lamang ng paintings ng mga Philippine histories ang gusali ng DMCI para bumagay bilang background ng bantayog ni Dr. Jose Rizal.

Ayon kay Castelo, ang nasabing panukala ay hindi makareresolba sa problema. / Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: castelo, hearing, Radyo Inquirer, torre de manila, castelo, hearing, Radyo Inquirer, torre de manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.