LOOK: Sapatos Festival sa Marikina nagsimula na ngayong araw
Opisyal nang binuksan ngayong araw, Lunes, Nov. 12 ang Shoe Bazaar sa Marikina City.
Ang pagbubukas ng Shoe Bazaar ay hudyat sa pagsisimula ng Sapatos Festival 2018.
Matatagpuan ang bazaar sa Freedom Park sa lungsod na bukas hanggang sa January 6, 2019.
Araw -araw na bukas ang Shoe Bazaar mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 7: 00 ng gabi Lunes hanggang Huwebes at alas 9:00 ng umaga hanggang alas 8:00 naman ng gabi mula Biyernes hanggang Linggo.
Mura o factory priced ang mga sapatos na ibinebenta sa Shoe Bazaar na gawa sa Marikina gamit ang genuine leather goods.
Maliban sa sapatos, may mabibili ring bag, wallet, t-shirts, at iba pa sa nasabing bazaar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.