Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa maraming lalawigan sa Mindanao

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa maraming lalawigan sa Mindanao bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan na nararanasan dulot ng trough ng Low Pressure Area (LPA).

Sa abiso ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga, yellow rainfall warning pa rin ang umiiral sa maraming lalawigan.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Camiguin
– Misamis Oriental (Gingoog City, Magsaysay, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Medina, Salay, Lagonglong, Balingasag)
– Misamis Occidental (Bonifacio)
– Zamboanga del Sur (Tambulig)
– Dinagat Island
– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Davao Oriental (Baganga, Caraga)
– Bukidnon

Ayon sa PAGASA ang nasabing mga lugar ay maaring makaranas ng pagbaha lalo na sa mabababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.

Mahina hanggang sa katamtamang ulan naman ang nararanasan sa iba pang bahagi ng Misamis Oriental, Sarangani, Davao Occidental; Monkayo at Laak sa Compostela Valley; Kapalong, Davao del Norte; at sa Sindangan at Siayan, Zamboanga del Norte.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

Read more...