6 patay, 19 sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Pangasinan

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2018 - 11:37 AM

Patay ang anim na katao at sugatan ang labingsiyam na iba pa sa magkakahiwalay na aksidente na naganap sa Pangasinan, Linggo ng gabi.

Sa bayan ng Binalonan, tatlo ang nasawi nang bumangga ang isang motorsiklo sa isang truck sa Aloragat Bridge sa Barangay Bugayong.

Ayon sa mga otoridad, sinakop ng motorsiklo ang kabilang linya ng kalsada kaya sumalpok ito sa paparating na truck.

Sa bayan naman ng Natividad, nasawi ang 16 anyos na motorcycle rider nang bumangga sa isa pang motorsiklo.

Nasawi habang ginagamit sa ospital ang binatilyong si Iverson Batocael, habang sugatan ang tatlong sakay ng nakabanggan niyang motorsiklo.

Sa bayan ng Agno, patay naman ang 61 anyos na si Abello Ramos nang bumangga din ang motorsiklong sinasakyan niya sa isang truck sa Barangay Macaboboni.

Habang sa bayan ng Malasiqui, patay ang 38 anyos na si Gemma Toralba nang sya ay mahulig sa sinasakyang tricycle. Sa likuran umano ng tricycle driver nakaupo si Toralba.

Sa Dagupan City, nagkabanggaan ang dalawang pampasaherong jeep sa bahagi ng De Venecia Road na ikinasugat ng 16 na pasahero nito.

TAGS: accident, pangasinan, Radyo Inquirer, accident, pangasinan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.