4 patay sa pamamaril sa isang videoke bar sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2018 - 11:20 AM

Apat ang patay sa insidente ng pamamaril sa isang videoke bar sa bayan ng Lal-lo sa Cagayan Valley.

Naganap ang pamamaril ala 1:00 ng madaling araw ng Lunes, November 12 sa Barangay Magapit.

Kinilala ng Lal-lo Police ang mga nasawi na sina Eugene Javier at Princess Javier – mag-asawa at ang ang mag-live partner na sina Ramsey at Michaela Javier na may-ari umano ng Starbabe Videoke Bar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dalawang hindi nakilalang mga lalaki ang namaril sa nasabing videoke bar matapos makasagutan si Princess Javier.

Nakasuot ng itim at brown na jacket ang dalawang suspek na pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Cagayan, Lal-lo, Shooting Incident, Cagayan, Lal-lo, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.