Wage hike sa Metro Manila, sa Nov. 22 epektibo ayon sa wage board

Wage hike sa Metro Manila, sa Nov. 22 epektibo ayon sa wage board

Sa November 22 magiging epektibo ang P25 na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.

Ito ang paglilinaw ng National Wages and Productivity Board matapos maglabasan sa ilang pahayagan na November 27 pa ang effectivity ng dagdag-sahod.

Paglilinaw ng wage board, simula sa Nov. 22, P537 na ang minimum na sweldo sa Metro Manila para sa non-agriculture workers at P500 naman sa agriculture sector at sa retail establishments na mayroon lamang 15 empleyado pababa at manufacturing estalishments na 10 ang empleyado pababa.

Paliwanag ng wage board, November 7 nang isapubliko nila ang kautusan na nagdaragdag ng sahod sa Metro Manila.

At kung bibilingan, 15 araw makalipas ang November 7 ay November 22 papatak ang pagiging epektibo ng kautusan.

Read more...