5 miyembro ng gunrunning syndicate arestado ng PNP; matataas na kalibre ng baril nasabat
Naaresto ng mga otoridad ang limang miyembro ng gunrunning syndicate sa magkahiwalay na operasyon sa Isabela at Quezon City.
Ayon sa PNP-Anti Kidnappung Group (AKG) ang grupo ang nasa likod ng pagdukot saisang Chinese National sa Isabela.
Isang tip ang natanggap ng PNP-AKG na nagtatago ang mga suspek sa kanilang safehouse sa Barangay Buneg sa bayan ng Echague na nagresulta sa pagkakadakip ng isa ng miyembro ng grupo.
Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ang mag-asawang miyembro ng grupo sa isang checkpoint sa Lagro, Quezon City na nakuhanan ng matataas na kalibre ng baril.
Ang dalawa pang suspek ay nadakip din kalaunan habang mayroon pang pinaghananap.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, ang limang naaresto ay pawang miyembro ng “Peralta Group” na sangkot sa mga pagpatay mga na naganap sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Metro Manila at Cagayan.
Sinabi ni Albayalde na ang mga suspek ay nagsisilbi ring private armies ng ilang pulitiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.