Mga panukalang amyenda sa 2019 national budget tatapusin na ngayong linggo

By Erwin Aguilon November 12, 2018 - 09:59 AM

Kasabay ng pagbabalik ng sesyon ng kongreso ngayong araw tiniyak ng isang lider ng Kamara na tatapusin na ngayong linggo ng small committee ang panukalang.757 trillion national budget para sa taong 2019.

Ito ay para sa susunod na linggo ay maipasa na ang naturang panukala sa ikatlo at pinal na pagbasa ang National Expenditures Program (NEP).

Aminado naman si Campostela Vallery Rep. Maria Carmen Zamora, pangunahing sponsor ng national budget at senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations na hindi nila maipapasa ngayong lingo sa third at final reading ang House Bill no. 8169.

Paliwanag ni Zamora ito ay dahil marami pa silang amendments na gagawin dito dahil na rin sa kahilingan at napagkasunduan noong debate sa panukala gayundin ang maraming concerned ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno.

Tiniyak naman ng kongresista na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang P3.757 trillion national budget para sa 2019 bago matapos ang taon.

TAGS: House of Representatives, national budget, House of Representatives, national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.