Sen. De Lima may panukala para sa mga preso na malubha ang sakit

By Jan Escosio November 12, 2018 - 09:49 AM

Gusto ni Senator Leila de Lima na makalaya na ang mga preso na may malubhang sakit para maalagan ng kanilang pamilya o makatanggap ng mas maayos na serbisyong-medikal sa labas ng kulungan.

Sa inihain niyang Senate Bill 2084, nais ni de Lima na mabigyan ng medical parole o compassionate parole ang mga kuwalipikadong may sakit na preso o detenido.

Ngunit sinabi ng senadora na kailangang matukoy muna na ang preso ay hindi na magiging banta sa lipunan bago ito mabigyan ng medical parole.

Base sa panukala ang maaring mabigyan ng medical parole ay ang mga preso na may malubha ng karamdaman at hindi na kayang alagaan pa ang kanilang sarili.

Nakasaad din nito, ang ibibigay na medical parole ay maaring kontrahin ninuman o ng anuman partido base sa pagdududa na inaabuso lang ang naturang batas.

TAGS: de lima, Radyo Inquirer, de lima, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.