Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na maayos ang ugnayan ng Comelec, PNP at ng AFP hinggil sa idaraos na plebesito.
Maliban dito hanggang ngayon aniya ay umiiral ang batas militar sa rehiyon kaya walang dapat na ikabahala laban sa posibleng manggulo dahil kontrolado ng mga otoridad sa lugar ang paligid.
Madali rin aniya ang gaganaping plebisito dahil “OO”at “HINDI” lang naman ang isasagot sa dalawang tanong.
Para sa core areas ng ARMM ang tanong lang naman aniya ay kung sang-ayon sila sa BangsaMoro Basic Law at sa ibang lugar naman aniya ay kung gusto nilang umanib at pabor sa BOL.
Hinggil naman sa mga political clans sa lugar sinabi ni Jimenez na patuloy ang kanilang monitoring at walang untoward incident na nagaganap sa rehiyon na may kinalaman sa gaganaping plebisito