Mga unibersidad hindi dapat idamay sa war on drugs ng pulisya

By Ricky Brozas November 12, 2018 - 09:11 AM

FILE PHOTO | Romblon East Central School

Nanindigan ang Association of Concerned Teachers o ACT na ang mga eskuwelahan ay “safe havens for learning” na kailangang proteksiyunan ng pamahalaan lalo na ng mga kagawad ng batas.

Ang pahayag ay ginawa ni Raymond Basilio, ang secretary general ng ACT Philippines, bilang tugon sa plano ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Higher Education (CHED) na dalhin sa mga unibersidad ang anti-drugs war.

Ayon kay Basilio, ibinukas ng CHED ang pinto ng mga eskuwelahan o higher education institutions o HEI, sa pag-abuso ng mga tiwaling alagad ng batas.

Nakakabahala aniya ang mga senaryo na papasok sa pasilidad ng mga paaralan ang mga police upang magsagawa ng anti illegal drugs operation laban sa mga guro at mga estudyante.

Idinagdag pa ng ACT ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga nagpapatupad ng batas lalo na sa kontrobersiyal na Oplan Tokhang.

TAGS: ACT, Radyo Inquirer, War on drugs, ACT, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.