Temperatura sa Baguio City bumaba sa 13 degrees

Contributed Photo for DZIQ by Grace Gacosta

Bumagsak sa 13 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City, kaninang umaga. (Lunes, Nov. 12)

Ayon sa PAGASA, 13 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod alas 5:00 ng umaga.

Tinataya namang aabot lang ng 26 degrees Celsius ang maitatalang pinakamataas na temperatura sa Baguio City ngayong araw.

Inaasahan namang sa mga susunod na araw ay magiging malamig na ang temperatura sa lungsod.

Read more...