Sa 4am weather advisory ng ahensya, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 405 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Posibleng tumama ito sa kalupaan ng Mindanao, bukas araw ng Martes at tatawid sa Sulu Sea, araw ng Huwebes.
Nagbabala ang PAGASA na posibleng tuluyang mamuo ang LPA bilang bagyo pagkatapos tumawid ng Sulu Sea at papangalanan itong Bagyong Samuel.
Sa ngayon, nakakaapekto ang tail-end of a cold front sa buong Palawan at Bicol Region na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan na minsan ay may kalakasan at posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Apektado naman ng Trough o extension LPA ang eastern Visayas at buong Mindanao na magdadala rin ng maulap na kalangitan na magdadala rin ng kalat-kalat na pag-ulan na minsan ay may kalakasan.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maganda ang panahon at may posibilidad lamang ng mga pananadaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Umiihip na rin muli ang hanging Amihan at nararamadaman na sa Luzon.