Plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8169 o ang panukalang P3.757 trilyong budget para sa 2019 sa ikatlong linggo ng Nobyembre.
Ayon kay Compostella Valley Rep. Maria Carmen Zamora, sponsor ng panukala at senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations, minamadali na nila ang pagpasa sa national budget upang matiyak na malalagdaan ito ng pangulo bago matapos ang taon.
Ngayong araw ay muling ipagpapatuloy ng Kongreso ang kanilang sesyon matapos ang Halloween break.
Dahil dito ay sisimulan na anyang busisiin ng Kamara ang budgetary items ng iba’t ibang mga ahensya.
Matatandaang nabalam ang pagtalakay sa panukala matapos umingay ang isyu tungkol sa pagpasok sa P55 bilyong pork barrel funds sa 2019 budget.