1 sundalo patay, lima sugatan nang masabugan ng landmine sa Sarangani
Patay ang isang sundalo ng Philippine Army samantalang sugatan naman ang lima sa kanyang mga kasamahan makaraang silang masabugan ng isang improvised landmine sa Malapatan Sarangani.
Sa inisyal na report, sinabi ni Lt. Col. Ronnie Babac, Commander ng 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army na nilusob ng kaniyang mga tauhan ang kampo ng mga NPA members sa Brgy. Upper Suyan sa nasabing bayan.
Habang papaatras ang mga rebelde ay nag-iwan sila ng pampasabog sa paligid ng kanilang kampo at nang mapadaan dito ang tropa ng militar ay kanila itong pinasabog.
Dead-on-the spot si Testado samantalang nagtamo naman ng mga tama ng shrapnels sa kanilang mga katawan ang kanyang mga kasamahan.
Nabatid na noong November 1 ay nag-deploy ang Philippine Army ng kanilang mga tauhan sa lugar makaraang guluhin ng mga rebelde ang mga tauhan ng isang construction firm na gumagawa ng daan sa bayan ng Malapatan.
Mula noon ay nagpatuloy na ang military operations sa naturang bayan hanggang sa mapasok ng mga sundalo ang kampo ng mga tumakas na rebelde kaninang umaga.
Ang mga labi ni Pfc. Testado ay dinala na sa bayan ng Libungan sa North Cotabato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.