Twice-to-beat advantage nakuha ng Ateneo sa UAAP men’s basketball

By Justinne Punsalang November 12, 2018 - 12:01 AM

Matapos talunin ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang De La Salle University Green Archers ay nakuha ng defending champions ang twice-to-beat advantage para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Sa ikalawang pagkakataon ay pinataob ng Blue Eagles ang Green Archers at nagwakas ang tapatan sa iskor na 71-62.

Dahil dito ay mayroon nang 11-2 win-loss record ang koponan at nasa unang pwesto sa torneo.

Nananatili naman sa ikatlong pwesto ang La Salle na mayroong 8-5 win-loss record.

Ayon kay Ateneo assistant Coach Sandy Arespacochaga, maituturing na turning point ng laban ang ikalawang quarter dahil doon umarangkada ang depensa ng koponan.

Si Thirdy Ravena ang nanguna sa Blue Eagles sa pamamagitan ng kanyang 14 puntos at 10 rebounds. Sinundaman naman siya ni Angelo Kouame na mayroong 11 puntos.

Para naman sa La Salle, si Aljun Melecio ang nanguna sa kanyang 13 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.