Kris Aquino nag-audition para sa isang US TV series

By Justinne Punsalang November 12, 2018 - 12:06 AM

Kris Aquino Instragram

Ibinahagi ni Kris Aquino ang ilang snippets sa kanyang audition video para sa isang US television series.

Sa kanyang personal Instagram account, kaakibat ng patikim sa kanyang audition ay sinabi ni Kris na kahit na maliit lamang ang tsansa para makuha siya para sa naturang “multi-ethnicity production” ay sumugal siya.

Paliwanag ng Queen of All Media, inisip niya kung ano ba ang kanyang mas kinatatakutan — ang hindi masagot ang posibleng ‘what if’ kung hindi niya susubukan o ang posibleng rejection e-mail na kanyang matatanggap.

Kaya naman nagdesisyon siyang magpatuloy sa pangangarap.

Sa isa pang post ay sinabi ni Kris na gusto niyang ibahagi ang patikim sa kanyang audition video dahil gusto niya ring ibahagi ang lakas ng kanyang loob sa pagsubok na makasali sa isang international TV series, maging anuman ang resulta nito.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Kris sa sa lahat ng taong hindi tumigil sa paniniwala at pagsuporta sa kanya.

Nauna nang sinabi ni Kris na ikinagulat niya nang ibigay sa kanya ng kanyang agent ang audition script lalo na’t dalawang taon na siyang hindi lumalabas sa telebisyon at naging libangan na niya ang manood ng US TV series.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.