Mga world leaders nagsama-sama sa Paris para sa pag-aalala sa WWI

AP

Nagsama-sama kahapon, araw ng Linggo, sa Paris, France ang mga pinuno ng iba’t ibang mga bansa upang alalahanin ang ika-100 anibersaryo ng pagtatapos ng World War I.

Kabilang sa dumalo sa naturang pagdiriwang ang 70 mga lider, kabilang na si United States President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Sa ganap na alas-11 ng umaga ay tumunog ang mga kampana sa kabuuan ng France.

Nagbigay ng 20 minutong talumpati si French President Emmanuel Macron sa harapan ng mga world leaders na nagtipun-tipon sa Tomb of the Unknown Soldier.

Laman ng kanyang talumpati ang paghimok sa mga lider na huwag kalimutan ang mga aral ng nakaraan at pag-asa para sa pandaigdigang kapayapaan.

Kasabay nito, sa mga bansang New Zealand, Australia, India, Hong Kong, at Myanmar, ay nagsagawa rin ng day of remembrance ceremony.

Sa kanyang Twitter account ay sinabi ni Indian Prime Minister Narendra Modi na bagaman hindi direktang kasama ang kanilang bansa sa kaguluhan ay kinailangang lumaban ng kanilang mga sundalo upang maibalik ang kapayapaan sa buong mundo.

Read more...